Day 11 - A photo of a band/artist that you like that aren’t famous worldwide yet
BEAZE
HAHAHAHAHAHA! Syempre syempre. I like them! maliban lang dun sa isa jk hahahahaha
OMYGOOOOOD! OMYGOOOD! Am I just dreaming? :)))))
It’s such a happy day for me. This is the day I waited for ages! Hahaha! I have a meet up with him, OFFICIALLY.
Akala ko hindi ito matutupad. Akala ko hanggang panaginip na lang. Inaya NIYA ako lumabas. INAYA AKO NG CRUSH KONG LUMABAS. INAYA NIYA AKOOO. Hahahahaha!
Ang awkward lang syempre. Kagabi pa lang nababaliw na ako kakaisip kung ano sasabihin at ikikilos ko. Kanina lalo! Anong isusuot ko? Ano gagawin ko? Sobrang kaba na mahuhulog na yung puso ko. Hahahaha. Ano ba! Makita ko lang sya sa malayo sobrang kinikilig na ako, eto pa kayang ayain nya ako lumabas! Duuh! Hahaha.
“Bahala na”, yun na lang nasabi ko.
At yun na nga, dumating na sya. Naka iron man na tshirt. Nakakahiya kasi mas malaki pa dibdib nya sakin. :( hahahaha. In the name of Merlins, ANG GWAPO NIYA. Hahaha.
Dumating din si joe jonas sa trinoma! PERO WALA AKONG PAKIALAM. Mas gusto ko si barbie boy makita at makasama kesa manuod lang sa kanta ng di ko naman idolong artista. Haha.
Puro ikot at kwentuhan lang kanina. Pero WALA AKONG PAKIALAM kahit saan pa kami magpunta. Hahaha. Naikot na ata namin ang buong trinoma. Hanggang sa ang awkward na, nagmovie na lang kami. MOVIE DUDE MOVIE. JUST THE TWO OF US! Haha! At ano pinanuod? Hahahaha……. The avengers.
Peborit na peborit nya yun e and tutal d ko pa naman napanuod edi ayun na. Hindi ko naintindihin gano yung palabas dahil alam nyo na. Nakikitawa na lang din ako. Kung ano pa ang iba pang nangyari sa loob ng sinehan, e sa akin na lamang yun. Hahahaha.
Libot uli pagkatapos. Tapos uwian na. Sobrang saya ko lang mula sa kaibuturan ng aking puso. Hahahaha! Sana may part 2! Ay hindi. Sana may pang 4. (pang 4?) …… Pang 4..ever! Hahahahahaha!
Say hello to my tirintas hair do for today! :D (Nakatirintas kasi si Haydi kanina, nainggit ako. XD)
Okay. May klase ako kanina. And luckily, nagklase naman talaga.. but only for 30 minutes. Tama ba yun? T_T Wala na talaga akong natututunan. May class pa sana kami ng afternoon kaso tinamad na ako baka 30 minutes lang ulit, magself study na lang ako. Nabadtrip din ako kanina kaya umuwi na lang ako ng maaga.
Actually, inaabangan ko yun trial ni Corona ngayon at kanina pa ako nanonood. Sinayang niya yung paliwanag niya kanina at lahat, tapos aalis lang siya ng walang paalam? Bastusan lang? Hinahighblood lang ako, hahaha kahit wala naman akong magagawa dun. Haha!
So ano na ang nangyayari? Ano ang mga bago kong dapat malaman maliban kay CJonTrial? XD Makapagscroll na nga lang sa dash!
Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong malaman ng mga kakilala ko yung tumblr ko, e dahil kadalasan kung ano anong picture ko ang pinagpopost ko dito. Kahit ang panget ng itsura, kahit anong suot, kahit anong background, basta yun yung picture ko ngayong araw, walang keme, hala sige ipopost ko to!
Actually, kakaligo ko lang niyan kanina at naglipstick pa ako dyan. Hahaha! Hindi, me triny kasi akong shade ng lipstick pero hindi talaga ako nagmamake up pag nasa bahay lang.
Pagkatapos ko kasing manuod ng doraemon at one piece (anime kung anime talaga? haha), naghanap na ako ng gagawin. Manunuod sana ako ng face to face kaso ang pangit ng storya ngayon, kay TOYO at sa asawa niyang mukhang tilapia (ayokong manuod pag tungkol sa mag-asawa ang topic ahaha). Tumaas lagnat ko kanina mga 48degrees ata, naglinis ako ng bahay! Nagwalis, nagpunas, naglampaso, at dahil dun may reward si papa… COKE. Ahaha.
Masaya ako ngayon, hindi pa rin kasi makaget over sa kasayahan kagabi. Napapakanta tuloy ako ng I-have-a-dream. Ahahaha! :)))
Ako: Anong type ba gusto mo as regards to physical matters? hahahaha
Crush: Physical? hmm. Most of the time morena ang gusto ko, kung maputi man, gusto ko ng singkit, syempre ayoko ng mas matangkad sakin and I don’t know why , I’m attracted to girls na pandak na cute? Hahaha.

Ano daw? Ano daw? Ano daw description nung gusto niya?! :”>
With chix.
Here @ greenwich with BHEZ. Walang raincheck! T_T

Good afternoon!
Sinusunog ko yung tenga ko ng mga system of a down’s songs. Namiss ko din ang tugtugan nila, para kasing may pagka-indian yung dating ng iba at ang bigat, sarap sa tenga! haha!
Harry potter 5 na ako. Konti na lang! Matatapos ko din ang series before pasukan! Tama bang Harry Potter ang unahin kesa summer class lectures? :(
Malapit na ang friday! Malapit na ang raincheck! Di ko alam kung tuloy. Nahihiya ako. :(
By the way, nalulungkot ako, kasi parang wala lang. Ang empty. Haha Nice emo. Parang walang kumakausap sakin. Hahaha. Kaya eto kausapin ko nalang sarili ko. XD
that moment when someone stolen shot you while you’re taking a picture of yourself.
Kakasa ka ba sa short hair ko?
Rockurr geek :)
Always wear your smile. That’s what makes you beautiful, isn’t it?
twitter || facebook || photoblog
^ Scroll to Top







