Batay sa resulta nitong May 13, 2012 CPA Board Exam, at sa mababang passing rate ngayong taon, natatakot na ako magtake ng Board Exam.
Last year ko na ngayong taon, anim na buwan pagkatapos nun, baka magtake na ako ng board exam. Sobrang lapit na kung tutuusin. Kung susuriin ko sarili ko, parang wala pa akong alam. Parang wala akong maisasagot. Sapat na ba talaga yung mga natutunan ko at kailangan ko na lang reviewin? O meron pa ring mga hindi ko talaga alam?
Hindi naman ako nag-aaral sa exclusive school although masasabi mo namang maganda din naman ang quality of education sa school ko. Ang kaso nga lang, bumababa ng bumababa yung passing rate ngayon sa school namin at hindi ko alam. Hindi naman ginustong bumagsak ng mga hindi pinalad, pero sino ang may problema? Ang school o ang estudyante? Nag-aral sila, nanalangin, nangarap katulad nung iba, pero bakit hindi “kaloob” sa kanila?
Natatakot ako. Paano kung ako na ang nakasalang? Paano kung ako na ang uupo para sagutan ang Board Exam? Maaalala ko kayang lahat yung apat na taon kong pinag-aralan? Oo, lahat ng kakilala ko sasabihin nilang, “Kaya mo yan”, pero kaya ko nga ba? Nandun yung pressure at ayokong mabigo ang mga magulang ko. Nandun din yung expectation nila sayo kaya doble ang sakit kung hindi ka makakapasa.
Pero yun yung pinili kong buhay e. Natatakot man ako mag-take, kailangan ko pa rin yung ipasa para sa CPA title. Alam kong mali ang matakot sa board exam. Bakit pa ako nagpapakahirap at nagtitiis na manatili sa BSA kung hindi ko rin pala itatake ang Board Exam sa takot? Kung gusto ko talaga itong ipasa, dapat gumagawa na ako ng ikapapasa ko. Kailangan ko ng magseryoso tutal naman ito na ang huling taon ko. OO KAYA KO TO. Andyan ang Ama para sa akin. Gagawa ako at ayokong magsisi sa huli.
AJAH KARLA! AJAH!
We want to express our deepest Congratulations to you guys, who suffered for years, those who bear consecutive sleepless nights to study, and whose favorite drink is coffee. Congratulations to those who set aside temporarily their social life, especially those who remain single just to ensure they will finish first their priority. We congratulate those who once believed and now there’s no single regret they reached their dream.
You deserve it. We cannot call it an “end” but a “start” to your new journey. Congratulations!
— xinnekharla
Madaming klaseng BS Accountancy students, may mga masisipag, tamad, umaasa sa himala, sa dasal, mga SILENT But Deadly at marami pa..
Share ko lang yung iba’t ibang klase ng BSA students na naencounter ko.
1. Una sa lahat yung mga MASISIPAG. Sa school man o sa bahay, palaging nag-aaral ng lessons nila, kaya pagdating ng exams, quizzes, recitations at group works, palagi siyang ready. Di na ako magtataka sa pagpasa niya sa Board Exam kung estudyante pa lang, kilay niya, sunog na sunog na.
2. Mga umaasa sa PRACTICAL ACCOUNTING Books. Eto yung mga BSA students na kapag may hindi maintindihan sa textbooks, o kaya kapag hindi na nila kayang sagutan yung nasa textbooks, ang huling pag-asa na lang nila ay yung PRACTICAL ACCOUNTING books. May ready-made explanations, solutions at answers kasi dito.
3. Yung mga BSA students na nageexcel sa Minor Subjects. Filipino, uno; Math, 1.25; Rizal, Uno; Marketing, Uno; Computer subjects, Uno; Accounting subjects, 2.5. Anyare?
4. Mga BSA students din na nageexcel sa Accounting subjects kesa sa Minor Subjects. Eto namana yung mga estudyanteng ginawa ng habit ang magsolve ng accounting problems, Kapag Vacant, Solve. Bago maguwian, solve kahit sa bahay, solve pa din ng problems. Kaya ayun, napapabayaan na ang Minor subjects.
5. Mga BSA students na magagaling pa kesa sa professors. Eto yung bihira pero naencounter ko na sila. Sila yung mga BSA students na nakikipag argue sa mga professors kung bakit ganun yung sagot eh samantalang di ganun yung sagot nila. Eto yung mga babad sa principles ng Accounting kaya ayun di nagpapatalo.
6. Mga magagaling sa memorization. sila yung magagaling sa theories. Identification, Enumeration at Recitations. Pero kahit anong galing nila sa magmemorize, nadadale naman sila pagdating sa problems.
7. Resourceful BSA students. Sila naman yung mga estudyanteng hindi lang sa textbook nila nagbabasa at humahanap ng pwedeng i-solve na accounting problems. Minsan nagpupunta sa PRACTICAL Accounting books para doon magsolve. May iba din na sa test banks, past exams/quizzes at handouts na binigay ng professor sila nagbabasa.
8. SILENT BUT DEADLY. Eto yung pinagtataka ko sa ibang BSA students, mga estudyanteng hindi niya ipapakita sayo na nag-aaral siya sa school, never niya din ipapakita sayo na nahihirapan siya sa mga lessons. Malalaman mo na lang ang kagalingan ng estudyanteng ito kapag naglabas na ng results ang professors. Bihira lang din yung mga ganito.
9. Student Professor - Eto naman yung mga BSA students na kapag may hindi maintindihan yung blockmates niya, to the rescue siya para tumulong sa kanila. Tinuturuan niya yung mga classmates niya ng techniques kung paano madaling makukuha o kaya tinutulungan niya yung mga classmates niya nang sa ganon maka-cope up din yung mga classmates niya sa lessons. Masyadong mabait yung mga estudyantent ito.
10. Dinadaan sa dasal - Sila naman yung mga BSA students na dasal na lang ang ginagawa para magkaroon ng himala sa mga grades nila. Siyempre sinasabayan din yang ng Hardwork at Patience. Wag lang din puro dasal :))
Marami pa sigurong klase ng BSA students, yung iba siguro di ko pa naeencounter. Pero kahit anong klaseng Accountancy student ka pa, Sa huli, pare-parehas at pantay-pantay lang tayo. Lahat tayo makakaranas ng Saya, lungkot hirap at siyempre STRESS. :))
Source: creditcedric
TAGGED AS: Accounting stuffs Accounting Accountancy tumblraccountants Iba't ibang klase ng BSA students acctg2
Here are some pieces of advice from your co-BSA Kuya’s and Ate’s that we would like to share to all incoming BSA students. All of these are based on our past experiences.
1. Keep in touch with God. Stay away with negative people. Self-discipline in studying. Maging resourceful sa training materials (thestrugglingcalculator)
2.Always listen. kahit SUPER boring yung instructor. dahil mahirap mag self-study ng accounting at wag matakot mag tanong. (elalalove)
3. Set your goals. Always trust yourself. Practice the art of questioning (if you don’t really understand the lesson) and study well. (forever-eighteen)
4. Be focused. Know what you really want, and decide on it ASAP. If you’ve decided that this is where you should be, that should be an even greater motivation to keep going and do good in everything. The path to being a CPA is a hard one, but if you have the proper motivation and your goal is always within your sight… things would get a bit easier. (rzzp)
5. No social life means more time becoming a CPA. (jamesdood)
6. Always be motivated to study, and never be afraid to ask questions if there’s something that you don’t understand. Choose also friends who would motivate you to be a CPA, not to influence you badly. Focus on academics, but it doesn’t mean you have to sacrifice your social life. Lastly, the most important, always place your trust to the Lord, for He is the one who will guide you through the right path as you pursue this course. (pol101692)
7. Maximize your resources. Read read read. (adobong-tinola)
8. Before anything else, talk to God and lay everything in Him. Trust His works no matter what happen. I think yun ang pinaka ginawa ko para grumaduate on time.. =) Basta Trust God and trust yourself. (iamtakbo)
9. Tumblr Accountants’ Motto: “DON’T STUDY HARD, BUT STUDY WELL.” Don’t memorize anything, just keep whatever you learned inside your heart. Always think that you’re not studying for grades, nor for fame, but to grab the CPA title. :)) (xinnekharla)
10. If you think you’re not good enough to take BSA, think again and double your efforts. Many have passed BSA not because they’re really smart, but because they work hard. (pseudonymousmannequin)
11. Don’t strive just to pass. Strive to be on the top. Mas maganda kasi na hindi ka lang kuntento sa pagpasa, para mas na-momotivate ka lalo mag-aral. (creditcedric)
12. Stay single while not yet cpa. (artniess)
Hope these simple words of wisdom will help you reach your dream of becoming one of the best BSA students on your school. Good luck and Welcome to stressful yet enjoyable world of BS Accountancy! :)
Source: tumblraccountants
TAGGED AS: tumblraccountants accounting accountancy BSA Incoming Freshmen acctg

Sincerely, still on the first question
Buhay Accountancy student.
“Ano bang tingin mo sakin-bubu?”
Source: xinnekharla
TAGGED AS: acctg accounting tumblraccountants
“College is not about how high your grades are. It’s what you’ve learned about life, about others, about yourself. Becoming a better person is what matters most.
Too bad. These things are not written on the transcript.”
— (via xinnekharla)
Sa dalawang subject na yan, dapat magaling ka sa Accounting1 (Fundamentals of Accounting) yung iba kasi hindi sineryoso yun acctg1 kaya nahihirapan sila.
FinAcc1 it’s all about assets. Wag lang puro pagsagot ng problems isipin mo, but focus more on the theory. Mas magandang alamin mo bawat pasikotsikot kasi magagamit mo din to sa higher acctg subjects.
Cost Accounting it’s all about..cost. ahaha. De. It’s more about Merchandise Inventory. Malaking advantage pag magaling ka sa algebra.
Goodluck sayooo. :))
O? Tapos? Bakit ako nakatumblr?!
HAHAHAHAHA. Wala masaya lang talaga ako. Hindi pa ako tapos magreview. Nung tinext ko kasi mga kaklase ko wala pa din sila gano nareview kaya tinamad na din ako. Tapos ang saya ko pa, kaya ayun.
Pero ano nga bang maging kapalaran ko bukas? Mapasa ko kaya ang 4 na subject? Dapat ba akong maniwala na kaya kong sagutin yung exam kahit hindi ako todo review? Makasama pa rin kaya ako sa maeexempt? Ano ang mangyayari?
Abangan ang kasagutan. Walang bibitiw. Pakatutukan! Ipagpapatuloy ang kwento sa mga susunod na kabanata….
Goodevening!
Kamusta naman ang sando at pony tail ko diba.
Nga pala, I just received some sort of bad news. 2.5 ako sa tax! At hindi na daw yon iaadjust! T_T
Retained pa din naman ako sa BSA. Sad lang ako kasi pano na yung scholarship ko at ang pangarap kong maging.. ano.. alam niyo na. Sana magadjust pa rin si sir. Sana talaga.
Dapat magrereview na talaga ako ngayon kasi sa tuesday na ang qualifying exam namin kaso wala din. Tinamad na naman ako. Hays. Wala na akong pag-asa nito.
Ttry kong magpuyat ngayong gabi. Dapat talaga matapos ko na ang auditing theory ngayon.
Hindi ko lang talaga mapigilang hindi magtumblr. Ayun, pasensya na talaga. XD :))
^ Scroll to Top








