Yes, oh yes! I’m a member of Iglesia ni Cristo and I’m proouuuuud!
Matagal plinano at pinagplanuhan talagang maigi ang event na to. At masasabi kong super successful ng event. Super daming nakipagkaisang kapatid. At alam ko din na super napakalaking abala ng mga kapatid sa trapiko. Sa kapal ba naman ng taong dumalo, at sa mga sasakyang inarkila bawat lokal. Sabi nga ng nakasabay ko na non-INC sa CR kanina,
“Sana kapag ka ganitong may aktibidad kayo, hinaholiday na.”
E sana nga hinoliday na e, kaso hindi e.
Ayun. Umalis nga pala kami ng bandang 9am na. Libre ang ticket ng LRT samin kaso super sawi dahil super siksikan. Ansakit sa tiyan ng amoy ng tao talaga. Samo’t sari na ng amoy ang nalanghap ko.
Dahil maaga pa nung nakadating kami dun, nagchowking at nagSM Manila muna kami, tapos bumalik na uli sa quirino. Hindi na kami makalapit dun sa may stage sa sobrang dami ng mga kapatid. By the way, I’m with Precious, Dom, Kevin and my very special bestfriend. HAHA. Nagstay lang muna kami dun malapit ke Rizal at dun kami nakinig nung leksyon at nung bandang 5pm na saka na namin pinilit lumapit sa stage. Tapos nung makalapit na kami, sabay tapos naman nung event. Umuwi na lang kami.
Dahil nga sobrang tao, hindi na kami makasakay sa UN AVE. Station, so naglakad kami hanggang sa makarating kami ng Quirino station! In all fairness, sobrang sakit sa paa pero ayos lang kasama ko naman siya. CHARRROOOOT!! XD
Nauna pa kong makauwi sa bahay. Sarado pa, antagal ko ding naghintay sa labas tas nalaman ko iniwan din pala sa kapitbahay yun susi! AWW.
OSYAA. It’s a nice event. It’s still trending ha. XD Tama na ang side comments. Peace na, peace na, peace na please. :)
Goodnight everyone!
TAGGED AS: iglesia ni cristo quirino grand stand blahblah anyare sa araw ko
-
ayeeitsmichelle liked this
-
ingayngbuhay liked this
-
papamc liked this
-
basagulerangkulot liked this
-
mentallydatingsomeone liked this
-
pancakesteak liked this
-
doodlemyblog liked this
-
akosimarielle liked this
-
xinnekharla posted this
^ Scroll to Top







