Home Ask Submit Archive REPLIES THEME

  • Girl: Hanapan mo na kasi ako ng boyfriend.
  • Bestfriend: Magboyfriend ka lang kung kaya na niyang tumbasan yung effort ko.
  • Girl: Yun nga yun e. Kaya ako walang boyfriend kasi wala pang nakakatumbas. HAHA.
  • Bestfriend: Kaya lang naman ako ganito kasi hinahanda ko na rin yung sarili ko pag nagkagirlfriend na ko, o pag nagkaasawa na ko.
  • Girl: ......... Ah ..... ganun ba. Maggirlfriend ka na kasi!
  • Bestfriend: Ano ka ba! ... .... ... .... ikaw ang gusto kong ..... mapangasawa. (whispers) Ano ba yan naiiyak ako.
  • Girl: Tanga mo! Wag kang umiyak! Naiiyak din ako!
  • (Parang tanga. Nag-iiyakan na)
  • Bestfriend: Sa totoo lang, pinapahirapan ko lang sarili ko. Kasi alam kong hindi na ako pwede sayo, pero sumasama pa rin ako sayo. Sa totoo lang, bukod sa pamilya ko, ikaw lang yung taong iniyakan ko. (sobs)
  • Girl: Tanga ka! Wag ka ngang umiyak! (sobs) hahaha para tayong tanga. Sa totoo lang, pinapahirapan ko rin sarili ko.
  • Bestfriend: Sa tingin ko kasi, kung tama man iniisip ko, kahit ganto tayo, mahal pa rin natin isa't isa. Kaya hanggang ngayon magkasama pa rin tayo. Kung tama nga yung nasa isip ko.
  • Girl: Basta ang gusto ko lang ngayon e bestfriend. Kailangan kita kasi hangga't wala akong boyfriend, gusto ko may mag-iingat sakin.
  • Bestfriend: Oo naman. Iingatan kita hangga't wala kang boyfriend.
Reblog this post
Posted on February/28/2012 with 4 notes




  1. whiteangelliza07 reblogged this from debitfitz
  2. debitfitz reblogged this from xinnekharla
  3. xinnekharla posted this

^ Scroll to Top