Nakakainis yung taong galit na galit kapag may unfollower sila
Napaka big deal ba talaga sainyo na mawalan ng followers? E kung sa totoo lang hindi niyo nga yun kilala o nakausap man lang. Baka naman hindi mo rin kasi nabigyan ng chance na icheck yung blog niya baka worth the follow naman. O kaya naman baka sadyang ayaw na talaga nila ng pinopost mo.
Meron kasi akong nabasa. Galit na galit. With matching mura at tawang demonyo pa. E ano kung may unfollower tracker ka? E ano kung nalaman mong inunfollow ka neto, aawayin mo na? Napakalaking katangahan at kababawan yung mga nagngingitngit sa galit pag me unfollower. Magmature ka nga. Followers lang yan ui. Gandahan mo posts mo at makipagkaibigan ka, makakaearn ka ulit niyan.
-
kukerz liked this
-
xinnekharla posted this
^ Scroll to Top







