Naalala ko lang nung mga panahong first year pa ko ..
Pumasok ako ng school ng totally walang kakilala. Syempre excited at nakakakaba para bang batang magbubukas ng regalo na di alam kung ano ang nasa loob. Panibagong parte ng buhay at hindi ko alam kung anong mangyayari sakin dito.
Pumasok ako nun ng maaga pero may mas maaga pa rin kesa sakin. Umupo ako nun sa second row, second to the aisle, ngumiti at nakipagkilala.
Hindi mawawala pag first day of the class, yung tatayo ka sa harapan para magpakilala. Ang mga kaklase ko, honor students, anak ng mga CPAs, mayayaman etc. Big timer pala tong mga classmates ko. Mga mukhang may palag talagang maging CPA. Ako, ayun, walang kwenta. Wala man lang masabing interesante nung time ko na magpakilala. Mukhang ako pa ata ang unang matatanggal sa course na to.
200+ kami nung first year at natatakot kami dahil palaging wala pang 20 ang grumagraduate na accountancy sa Era. Merong pagkakataon nun na tinitignan namin yung itsura ng lahat ng mga classmates namin. Sino samin ang 20 mapapalad na estudyanteng mareretain sa accountancy hanggang fourthyear?
“Ah eto magiging CPA to.”,
“Ah eto, wala to haha”,
“Ah eto, siguro, pwede, may pag-asa.”
Meron kasing mga itsura at kilos na pangmatalino na akala mo e di makabasag pinggan at kala mo puro pagaaral ang nasa isip at walang sinuman ang makakapagpatanggal sa kanya sa kursong to. Pero hindi lahat ng hula namin na to, e nagkatotoo.
Masaya nung first year kasi hindi pa gaanong busy. Pakanta kanta, pasayaw sayaw ka lang sa subject na humanities. Tapos mema pasa lang na project sa nat sci, eco, socio, NSTP tapos matatadtad ka pa ng UNO! Perfect ang buhay except sa algebra.
Algebra pa lang yung basehan ng tanggalan namin non. Halos nangalahati na kagad kami. 2.50 ang retention grade sa minor subjects noon, mapalad talaga kong nakakuha ako ng 2.25. Sobrang kabado. Alam ko may kakayanan naman ako sa Math kaya nga ako nagaccountancy pero ibang klase pala ang Math lalo na kung si Mam De Belen ang prof. Iba yung feeling. Kaya kahit na matalino ka, kakailanganin mo pa rin ang kaibigan tuwing exams. At aaminin ko na hanggang Business Math 3, marami pa rin akong kaibigan. HAHA.
Kung hirap na hirap ako sa Math, pano pa kaya kung Accounting subjects na?
Kung hirap na hirap ako sa adjusting entries, pano pa kaya kung higher accounting subjects na?
Hanggang kailangan kaya ako makakatagal sa kursong to?
—— ito ang sabi ko nung first year ako at alam kong ito din ang sinasabi ng ilang mga first year ngayon.
After 3 years, Mula 200+, 42 na lang kami. K.A.M.I. KAMI. Kasama AKO. Omygulay! Ako na akala ko e first year pa lang e tanggal na, e naretain pa rin hanggang ngayon. Sayang nga lang yung iba na akala mo e tatagal, pero sila pa yung unang natanggal. Kung sino yung mga talagang deserving, sila yung nawalan ng karapatan. Samantalang, yung mga …… um, e, um.. ayun na. Ayoko na magsalita. :))
Totoong nakakakaba kapag first year ka pa lang kasi wala ka pang kasiguraduhan sa lugar mo. Pero sinasabi ko sa inyo, wala yan sa highschool at family background mo. Hindi yan dahil sa mayaman ka, anak ka ni ganito, o dahil Valedictorian ka e mareretain ka na. Nasa pagsisikap yan. Nasa pagttyaga mo yan. At nasa pananampalataya yan. Kung wala ka ng tatlong yan, malamang sa malamang e hindi ka pumasa. Dahil kahit gano mo man kagusto o kapangarap maging CPA kung hindi ka naman kumikilos at kung puro ka lang yabang, wala ding mangyayari. Kung baga, para kang nangarap manalo sa lotto na hindi ka naman bumibili ng ticket.
Mangarap ka, kumilos ka, magtatagumpay ka.
Source: xinnekharla
TAGGED AS: acctg accounting accountancy ang drama ko diba
-
asdfghjklsweetheart liked this
-
superjooyy liked this
-
forever-eighteen said:
You inspired me!! :))
-
forever-eighteen liked this
-
ayentu liked this
-
notsoplainjane liked this
-
mylifeandtheunexpectedreality liked this
-
leahsyncrasies liked this
-
tumblraccountants reblogged this from xinnekharla
-
feelingerongbata liked this
-
xinnekharla posted this
^ Scroll to Top







