Kapag sinabi naming “okay”, minsan hindi talaga yun okay. Sinasabi lang namin para matapos na ang usapan, wala ng gulo, hayaan na lang.
Kapag sinabi naming “di ako nagseselos”, sa totoo lang minsan nagdadamdam na kami. Ayaw lang namin ipahalata na nagseselos kami.
Kapag sinabi naming “di ako galit”, sa totoo lang nagtatampo na kami at gusto naming suyuin mo kami.
Kapag sinabi naming “sya na lang ligawan mo”, minsan nasa isip namin na “bakit hindi na lang ako ang ligawan mo?” Hindi ibig sabihin nito na pinamimigay na namin yung lalake, minsan sinusubukan lang namin kung bibigay sya.
Kapag sinabi naming “ayoko na”, minsan gusto lang namin makita yung effort mong makuha kami ulit.
Sana marunong makiramdam yung mga lalake sa kung ano talaga yung nararamdaman ng mga babae. Hindi purkit ngumingiti e okay na talaga pero sa totoo lang e ansakit sakit na.
-
da-daydreamer liked this
-
voxofmindandheart liked this
-
mabaitnagago liked this
-
eniamrahs07 liked this
-
stargazer-dreamcatcher said:
relaaaaaate!
-
stargazer-dreamcatcher liked this
-
xinnekharla posted this
^ Scroll to Top







