Home Ask Submit Archive REPLIES THEME

LALALA~ So BUSY~

Hi. Walang pasok bukas kaya bukas na lang ako mag-aaral at ilalaan ko lang ang mahahalagang sandaling ito para maglibang, mawala ang konting stress, tumawa, makipag-usap, in short, magtumblr.

Salamat sa paasa kong professor na nagsabi na me exam kami kanina mula chapter 12 hanggang 18 sa income taxation, pero 30 minutes lang siya nagstay kanina sa room para magdiscuss. Sayang yung ipinuyat ko tapos hindi din pala matutuloy yung exam pero ayos lang dahil hindi pa naman talaga ako ready. Atlis, konting pasada na lang yon sa susunod.

Hindi pa din ako nakaalis sa chapter 6 - Process Costing sa Cost Accounting dahil nga sa pag-iintindi ko sa tax nitong mga nakakaraang araw. Balak ko sanang magadvance study na sa CostAct kung may oras lang dahil ito lang ang natatanging paraan para maintindihan ko to ng lubusan. Bukas sana ang quiz namin dito pero salamat sa Edsa dahil niligtas niya ang buhay ko!

Parehas lang din sa law. Hanggang Section 59 ang kailangan naming basahin pero section 24 pa lang ako. Matanda at punit punit na nga yung libro ko, hindi ko pa siya binabasa. Kawawa naman siya. Kung buhay lang siya, pinukpok na nya ko ng ilang ulit.

At higit sa lahat yung super alive at pinakapaborito kong subject na Auditing Theory. Oh yeah~ Plastic~

Idagdag pa natin yung mga project ko sa pamajor kong PHILO at PROD.MAN. Wala na. Malapit na talaga. Lokaret na ko sa mga susunod na araw. :}

Nabobother na ko sa pimples ko. Sana matapos na to ng makatulog naman na ako. :|

Reblog this post
Posted on February/24/2012
TAGGED AS: acctg    accounting    




^ Scroll to Top