HAHAHA. Inalok ko kasi siya ng Vcut. Tapos inubos niya. Tapos binigay ba naman sakin ulit yung kalat. Tapos sabi niya, “Ayaw ko na” ang anghang daw kasi masyado. Bastos lang eh. Sa ganda kong to, pagtatapunin mo ako ng basura mo? AHAHA. Di makamove on. HAHA. Laugh trip.
- Ako: Ma, pa, alis na ako.
- Papa: Bunso, wag ka na umalis
- Ako: nakabihis na ako eh.
- Papa: Sino ba kasama mo dun?
- Mama: Lalake yan!
- Ako: Hala hindi. Madami yun. Mga hindi ko kakilala
- Mama: Kita mo mga hindi mo pala kilala tapos pupunta ka dun.
- Papa: Anak, wag ka na pumunta dun. Mga sindikato yung mga yun. Mapapahamak ka lang.
- Ako: HAHAHAHAHA. Grabe. Haha. Hindi. Meet up yun. Maramihan. Barkada. You knerr?
- Papa: Mas mabuti na yung nag-iingat anak.
- Ako: Eh... Pa.
- Mama: Kumuha ka ng pera sa wallet ko.
- Ako: *ngumiti* Alam ko yung ginagawa ko, Papa. Alis na ako. =)))))))
- ----------
- Grabe talaga si Papa, overprotective. Ahahaha. Pero atlis kahit ganun, hindi ako nagsinungaling sa kanila para payagan ako pumunta ng meet up. And pinagkatiwalaan naman nila ako. ♥
- Oy, Picture daw lahat. Dali.
- Wacky naman. Wacky.
- Nagpapapicture lahat sa may hagdanan tapos biglang may dadaan. Palakpakan lahat e. The best yung dumaan si Manong na nagtitinda ng balloons. Hindi niya ata alam na may nagpipicture. Hahaha.
- Uy, Picture tayo. Isa pa. Wait. Isa pa.
- Hi, I’m *Insert url here*
- Uy, Ikaw si Ano diba? *Sabay tili*
- Yung mag-taxi, Mag-jeep kasama mga Bloggers.
- Ikaw pala yun.
- Uy, Wait. Kilala kita. Anu nga ba ulit URL mo?
- Kilala ko yan e. Si Ano yan diba?
- Uy, May ice cream bili tayo.
- Yung mga Gangster sa tabi na nakikisama sa picture.
- Yung titili lahat kasi wala lang.
- Pose dito, Pose doon.
- Kung san may camera nandon.
TNYMU 2013
This is my 3rd tumblr meet up. Nalungkot ako nung tyemu kasi di ako nakapunta pero bawing bawi naman ngayong meet up. Dahil kaming dalawa lang ni Ced, at wala na akong ibang friends maliban sa kanya, lahat na ng makita namin, hinehello namin at finifriends. And dun nga namin nakilala sila prettylocca, paksyit, charuterangcharot, magisangumiibig and livelifetothefullestbaby na akala mo ang tagal na ng pinagsamahan namin kasi super easy to be with silaa. ♥
Ofcourse di naman mawawala sa meet up yung “Shet, si ano oh.”, “Hala, gusto ko magpapiktyur sa kanya.”, “Feeling pogi kaasar!”, “Teka teka nahihiya ako.”, “Hala wala na akong kakilala,” Pagkatapos nun, saka ulit maghe-hello sa mga hindi kakilala. Makikifeeling close. Makikishake hands. At isisiksik ang sarili sa picture.
Mas madami akong nakilala ngayong meet up. Kaso mas masaya sana kung kagaya nung Vday Meet up yung set up, yung may bilog bilog para lahat magkakilala.
Every meet up nalang, url ang problema nila sakin. Ang hirap daw ispell, ang hirap pa daw ipronounce. Mahirap ba talaga? =)
Thanks sa lahat senyo na nakilala ko nung meet up. Sa tumblr ko lang naranasan to. ♥ Congrats to TNYMU organizers! :)
Sa uulitin!

Source: xinnekharla
TAGGED AS: tnymu tnymu2013 Creditcedric magisangumiibig prettylocca paksyit charuterangcharot livelifetothefullestbaby
What a good stalker I am. >:D
Here’s some WOTE pics in their everyday life.
(got those pic in Taylor and Marshall’s twitter :D)
TNYMU ID.
I’m coming tomorrow. Pansinin niyo po ako ah? :D
2-5pm SM North Edsa. Talaga ako oh. Walang kaalam alam sa mga bagay bagay. :D Pero pupunta ako. Sana po hindi po ako ma-op sainyo po. :)
Feeling bored and stressed over your studies? Take a rest and read some blogs!
Follow http://tumblraccountants.tumblr.com
Not yet a member? Be one of us and share your accounting tips and experience!
Reblog this post and send your email address here.
Source: xinnekharla
TAGGED AS: typos tumblraccountants accounting accountancy cpa
Dear Accounting,
Nung una kita makilala, I thought hindi tayo magkakasundo. Nabalitaan ko na kasi marami ka ng pinaiyak, maraming tao ang napupuyat dahil sayo, di makakain, di makatulog, di mapakali kakaisip sayo. Marami ka na rin daw pinahirapan at sibubok ang pagtitiwala. Pero tignan mo, among others ikaw pa rin yung pinili ko. Na love at first sight ata talaga ako sayo. Pilit kitang sinuyo nung una, umayon ang panahon at pagkakataon, ngumiti ako dahil akala ko ok na tayo. Dumating ang mga sumunod pang taon, ngunit bakit ganun. Bigka kang nagbago. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung anung mali ang nagawa ko at pinahirapan mo ako ng ganito.
Gabi gabi kitang iniisip. Napupuyat ako dahil sayo. Lahat naman ginagawa ko para maging ok tayo. Tinanggalan ko na ng karapatan ang sarili ko para gumala kasama ang iba para lang makapiling ka. Hindi na rin ako nag fafacebook para malaman mo na bawat oras ko kaya kong ibigay sayo. Pero bakit ganun, nahihirapan na ako. Ang daming problema ang bibibigay mo. Akala mo ata talagang likas na problem solver ako. Kaya ko naman yan pero step by step naman. Wag masyadong biglaan, hindi ako sanay sa madalian.
Susuko na saka ako, pero naalala ko ang unang tinuro mo sakin na dapat marunong akong mag adjust. Ok sige, sasabayan kita, kung mabilis ka mas bibilisan ko para lang maabutan kita. Mas gusto ko na sabay tayo, ayoko ng iniiwan mo ako. Naiiyak ako pag nilalayuan mo ako. Iintindihin pa rin kita kahit ganun pa man. Ayan, doble sikap na ang ginawa ko. Sipag at tyaga alam kong makakaya ko. Humingi na rin ako ng tulong sa iba. Pag di kita maintindihan, kumukunsulta na ako sa iba. Binalikan ko lahat ng pinagdaan natin, medyo malayo na rin pala ang ating narating. Bakit nga ba ngayon pa ako susuko? Ikaw ang pangarap ko. At gagawin ko lahat para matupad yun. Di ako susuko! Sabi mo I need to trust myself and most to trust Him. Then be it. Nagtiwala ako sa sarili ko na kakayanin ko at napaiyak ako ng sinabi mo na hindi ko to talaga kaya ng wala Siya. Thank you pa pagpapaintindi sa akin ng maraming bagay.
Sabi nila the best daw ang mga katulad ko dahil di lang marunong mag balanced magaling pa mag adjust at magreconcile. Natuwa naman ako, at lahat nang yun, natutunan ko dahil sayo. Alam mo, sa lalo mong pagpapahirap sakin, mas lalo kita minahal. Mas naintindihan ko kung bakit mo ginagawa lahat nang yun. Salamat sayo. Di ako susuko sayo. Pramis yun. Basta samahan mo ako ah. Hanggang sa dulo dapat magtulungan tayo. Kahit alam kong mahirap, I will never give up.
Sincerely,
Future CPA
Uhh. Sweetness. :”>
^ Scroll to Top








